--Ads--
BAGUIO CITY – Nagbabala si Department of Agriculture (DA) Sec. Emmanuel Piñol laban sa mga regional directors ng ahensiya na hindi gumagamit sa pondong inilaan para sa kanila.
Ayon sa kalihim, matatanggal sa pwesto ang mga regional directors ng DA at regional field offices na mabibigong gumamit sa kanilang pondo sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan ng Hunyo.
Paliwanag naman ni Piñol, ang paggastos sa pondo na inilaan para sa isang rehiyon o ang zero-zero budgeting ay indikasyon ng epektibong pamumuno.
Aniya, ito ay nagpapakita na ang pera ng taongbayan ay ginagamit para sa mga ito.
Una nang pinuri ng DA secretary ang DA regional field office-Cordillera bilang kauna-unahan at kaisa-isang rehiyon na nakagastos ng pondo nila para sa taong 2016.