--Ads--
Pinaigting ng Baguio City Police Office ang paghahanda para sa SUMVAC 2026 kaugnay ng Semana Santa mula Abril 2 hanggang 5.
Mahigit 300 pulis at 700 boluntaryo ang idedeploy sa mga matataong lugar, katuwang ang K9 at explosives units para sa dagdag seguridad.
Magpapatupad din ng mahigpit na pagbabantay laban sa krimen, banta ng bomba, at iba pang insidente, kasabay ng pagsasagawa ng emergency drills.
Magtatatag ng assistance desks para sa mga turista, habang patuloy ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan.
Inaasahan naman ang mas maayos na daloy ng trapiko, ngunit posibleng humaba ang pila ng mga pasahero dahil sa dagsa ng turista.










