Inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang sapat na pondo ang Senado para sagutin ang pagkain ng prosecution at defense panel sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Gatchalian, hindi pa niya pormal na natutugunan ang liham ni Duterte na humihiling ng hiwalay na food arrangements para sa kanyang defense team at na sagutin ng Senado ang gastos.
Aniya, kailangan pa nga ng Senado ng dagdag na pondo para sa pag-upa ng karagdagang opisina sa Philippine International Convention Center dahil ginagamit ang ilang silid sa Senado para sa impeachment trial.
“Sa madaling salita, wala kaming pondo para magbigay ng pagkain sa prosecution and defense.”
Sinabi rin ni Senador Erwin Tulfo na kinuwestiyon ng majority bloc ang naturang kahilingan dahil wala ito sa kasalukuyang budget ng Senado at maaaring mapuna ng Commission on Audit.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na isasagawa ang impeachment hearings mula 10 a.m. hanggang 3 p.m., Lunes hanggang Miyerkules, habang ilalaan ang Huwebes at Biyernes sa iba pang gawain ng lehislatura.








