--Ads--

Mahigpit na minomonitor ng militar ng South Korea ang aktibidad ng North Korea, kabilang ang mga umano’y pagtawid ng mga sundalo nito sa military demarcation line na naghihiwalay sa dalawang bansa.

Ito ay matapos iulat ng Chosun Ilbo na mahigit 20 beses umanong tumawid sa demarcation line ang North Korean troops noong Agosto.

Ayon sa ulat, mas mataas ang bilang ng mga insidenteng naitala noong Agosto kumpara sa kabuuang bilang noong 2025. Kabilang umano sa aktibidad ng North Korea ang pagtatayo ng mga bakod at paglalagay ng mga mina malapit sa border.

Sinabi ng South Korean Joint Chiefs of Staff na patuloy nilang ipatutupad ang mga kinakailangang hakbang alinsunod sa operational procedures at palalakasin ang kanilang military capabilities.

Hindi naman ibinahagi ng militar ang eksaktong bilang, lokasyon at oras ng mga iniulat na pagtawid.