Pumanaw na ang South Korean actor na si Jung Eun Woo sa edad na 40.
Namatay ang aktor nitong Miyerkules, ngunit wala pang naiulat na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Isang araw bago ang kanyang pagpanaw, nag-post si Jung sa Instagram ng mga larawan nina Leslie Cheung at Amy Winehouse, na kapwa pumanaw na rin. Nilagyan niya ito ng caption na “na-miss, envied, regretted” sa wikang Korean.
Maipapaalang halos dalawang dekada ang karera ni Jung sa showbiz industry at nag-debut iti sa pag-arte noong 2006 sa “Banollim 3.”
Lumabas din siya sa mga pelikulang “He Was Cool,” “Bad Couple,” at “Miss Chang,” at iba pa. Gumanap din siya sa dramang “Hit,” “Chuno,” “The Man Called God,” at “Bride of the Sun.”
Sa ngayon, nakaburol ang kanyang labi sa New Koryo Hospital Funeral Hall. Ang libing ay itinakdang ganapin sa Byeokje Sunghwa Cemetery ngayong Pebrero 13, ayon sa ulat.











