--Ads--

Pasok ang Spain sa FIFA World Cup final matapos talunin ang France, 2-0, sa semifinal sa Arlington, Texas noong Martes.

Isang penalty ni Mikel Oyarzabal sa ika-22 minuto at goal ni Pedro Porro sa ika-58 minuto ang nagbigay ng panalo sa Spain, na muling aabot sa World Cup final sa ikalawang pagkakataon mula nang maging kampeon noong 2010.

Haharapin ng Spain sa final ang mananalo sa laban ng defending champion Argentina at England, habang magtatapat naman ang France at ang matatalo sa naturang semifinal para sa ikatlong puwesto.

Sa panalo, naitabla rin ng Spain ang European record ng Italy na 37 sunod na laban na walang talo (30 panalo at pitong tabla).