--Ads--

BAGUIO CITY – Pabor ang lungsod ng Baguio sa plano ni First Lady Liza A. Marcos na pagpapatayo ng bagong Presidential Museum sa likod ng The Mansion house sa Romulo Drive, Baguio City.

Kasunod nito ng paglagda ni Mayor Benjamin Magalong sa council resolution no. 266, series of 2024 na sumusuporta sa nasabing plano ng Unang Ginang ng bansa.

Ang pagpapatayo ng nasabing museum ay ipinapahiwatig ang malaking bahagi ng mga kontribusyon ng lungsod sa ekonomiya, kultura, at pampulitika, at social fabric ng bansa.

Bukod pa rito, naniniwala sila na maitataas ang kamalayan ng local at nang buong mundo sa kasaysayan ng Pilipinas upang lalong mapahalagahan ang kolektibong pamana ng bansa.

Una ng inilahad ni First Lady noong Abril 19 ang nasabing plano kung saan inspirasyon nito ang kinikilalang Teus Museum na naglalayong ipakita ang mayamang tapestry of Philippine presidential history na nagpapakita ng mga mahahalagang artifact tulad ng kasuotan ng pangulo, footwear, watawat, at iba pa na nagbibigay-kabuhayan sa mukha ng mga dating pinuno.

Samantala, sinabi ng ni Engr. Bonifacio dela Peña, City Administrator na bukas ang lungsod ng Baguio para sa anumang hakbangin ng gobyerno lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng lungsod.