Bumaba na ang presyo ng ilang uri ng bigas sa Baguio City kasabay ng nananatiling sapat na suplay nito sa lungsod, lalo na ng local rice na nanggagaling sa Isabela, Cagayan, Tarlac at Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay John Paul Peralta, spokesperson ng rice section sa Baguio Public Market, nasa P45 hanggang P48 na ang presyo ng ilang lokal na bigas, habang mahigpit ding ipinatutupad sa Public Market ang suggested retail price (SRP) na P53 kada kilo.
Samantala, patuloy ang pag-iikot ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture, kabilang ang mga mula Maynila, upang tiyaking nasusunod ng mga rice vendors ang itinakdang presyo.
Ayon sa DTI, kung hindi kayang kumuha ng mas murang presyo mula sa traders, pinapayuhan ang ilang nagbebenta na huwag muna magbenta ng imported rice at may katapat ding penalty sa mga lalabag.
Halos araw-araw umanong nagsasagawa ng inspeksyon sa bawat pwesto ng bigas para mabantayan ang presyo at suplay.
Sa kabila nito, inamin ng nila na mahina ang bentahan ng bigas sa kasalukuyan. | via Bombo Khey Reparip











