--Ads--

Sinubukan mismo ni Taiwan Minister Michael Lee ang pagsakay sa Metro Rail Transit (MRT) sa unang pagkakataon upang maranasan ang kalagayan ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila tuwing rush hour.

Matapos dumalo sa private screening ng pelikulang Hope for the Dawn to Come, dumiretso ang opisyal sa Araneta–Cubao Station.

Dito ay pumila siya at gumamit ng Beep card tulad ng karaniwang pasahero.

Sa kaniyang obserbasyon, binigyang-pansin ni Lee ang disenyo ng istasyon at ang pangkalahatang imprastraktura ng tren.