--Ads--

BAGUIO CITY – Magsasagawa ng cleansing ritual o ‘daw-es’ ang tatlong Igorot battalion commanders na ipinadala sa Marawi City.

Ito ay matapos silang makabalik ng ligtas sa kanilang mga headquarters at umuwi sa kanilang mga pamilya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay P/Supt. Mario Mayam-es Jr., commander ng 2nd Special Action Battalion ng PNP-Special Action Force, isasagawa nila ang cleansing ritual sa kanilang headquarters sa Subic.

Maliban daw sa kanila ay magsasagawa rin ng ritwal ang battalion commanders ng 5th Special Action Battalion sa Zamboanga, gayundin sa Rapid Deployment Battalion.

Samantala, sinabi ni Mayam-es na nasa 156 SAF troopers mula Luzon ang naipadala sa Marawi Ciy, pero 170 naman ang nakabalik sa mga ito kabilang ang mga nasugatan  at naunang SAF trooper na ipinadala giyera.

Ito araw ay dahil butal sa nasabing bilang ay dati nang nakadestino sa Marawi, kabilang na ang mga nagtamo ng sugat sa limang buwang bakbakan.

Sa ngayon ay binigyan daw sila ng isang buwan na bakasyon upang sa gayon ay makapagpahinga matapos ang matagal na bakbakan sa Marawi City.