BAGUIO CITY – Nasungkit ng University of the Cordilleras Softball Team ang kampeonato sa 2nd Dominador S. Garins Cup DSG Invitational Tournament na ginanap sa Benguet State University at Benguet Sports Complex mula Abril 24 hanggang 26, 2026.
Naiuwi rin ng Jaguars ang parangal na Home Run King at Most Valuable Player sa All Men’s Club Division, kung saan kinilala si Gian Khen Lapeña bilang MVP at Home Run King.
Nasungkit ng Jaguars ang All Men’s Club Division crown matapos nilang talunin ang BYOB, na nagtapos bilang 1st runner-up.
Nakuha naman ng Royals ang 2nd runner-up, habang pumangatlo ang Panthers.
Sa Super Division, itinanghal na MVP si Justine Galvez habang kinilala naman si Emiel Salinas bilang Home Run King.
Sa naturang dibisyon, kampeon ang Taguig Generals, sinundan ng Cabanao Sports Club bilang 1st runner-up, Uncle and Daddys bilang 2nd runner-up, at Betag sa ikatlong puwesto.
Sa Co-Ed Division, hinirang na MVP si Aliyah Salinas ng BYOB habang kinilala naman si Mylene Cayat ng Cabanao Sports Club bilang Home Run Queen.
Sa team standings, kampeon ang BYOB, 1st runner-up ang Cabanao Sports Club, 2nd runner-up ang Nueva Ecija Batter Club, at 3rd runner-up ang Royals.
Ang torneo ay nilahukan ng iba’t ibang koponan mula sa iba’t ibang siyudad at probinsya.
Pinangunahan ang torneo nina Anjo Cabusao at ng Garins Family bilang mga organizer, habang nagsilbing tournament director si Jhonson Botengen.
Pinasalamatan ni Coach Rafael Lapeña ang University of the Cordilleras, gayundin si Sports Development Office Director Dr. Danny Cong-o, sa patuloy na suporta sa koponan.








