Bukas na ang pagpaparehistro para sa Waste-to-Value Food Innovation Contest 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month.
Layunin ng patimpalak na hikayatin ang publiko na lumikha ng makabago at masustansiyang pagkain mula sa mga sobrang gulay at iba pang sangkap upang makatulong sa pagbawas ng food waste at pagsusulong ng mas sustainable na komunidad.
Maaaring lumahok ang mga indibidwal, community organizations, barangay, opisina, food business establishments, at mga grupong binubuo ng isa hanggang tatlong miyembro.
Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa Hulyo 15, 2026, habang gaganapin ang mismong paligsahan sa Hulyo 27, 2026.
May kabuuang cash prizes na hanggang ₱9,000 ang nakalaan para sa mga mananalo. Makakatanggap ang unang puwesto ng ₱9,000, ikalawang puwesto ng ₱7,000, ikatlong puwesto ng ₱5,000, at siyam na consolation prize winners ng tig-₱1,000.
Hinihikayat ang mga kalahok na ipakita ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng masustansiya at makakalikasang pagkain mula sa mga karaniwang itinatapong sangkap.









