--Ads--

BAGUIO CITY — Binuksan na ng Youth Climate Action Fund (YCAF) – City of Baguio ang aplikasyon para sa mga proyektong pangklima na pamumunuan ng mga kabataan, na may microgrant na nagkakahalaga ng US$1,000 hanggang US$5,000.

Maaaring mag-apply ang mga kabataang may edad 15 hanggang 24 na may proyektong pangkapaligiran. Kinakailangang pangunahan ang proyekto ng hindi bababa sa dalawang kabataan at isumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng isang rehistradong organisasyon tulad ng paaralan, unibersidad, youth group, o community organization.

Kabilang sa mga prayoridad ng programa ang pagpapalawak ng mga luntiang espasyo, pagbabawas ng basura, sustainable transport, lokal na agrikultura, climate resilience, at iba pang inisyatibong may kaugnayan sa climate action sa Baguio.

Bukas ang aplikasyon mula Hulyo 21 hanggang Setyembre 1, 2026.