BAGUIO CITY- Nasawi ang isang senior citizen habang isinugod sa pagamutan ang apat na indibidwal matapos mabangga ang mga ito sa picnic grounds ng Camp John Hay, Baguio City pasado alas-tres ng hapon nitong Enero 16, 2026.
Ayon sa inisyal na impormasyon, magpipicnic sana ang mga biktima mula Manaoag, Pangasinan nang mabangga sila ng BCDA electric bus.
Lumalabas na paakyat ang bus sa Scout Hill Road ngunit sa hindi pa matukoy na dahilan, bigla itong kumabig pakaliwa at nabangga ang mga biktima.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang aksidente.
Nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang driver ng bus na sangkot sa insidente at posibleng haharap ito ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, and Multiple Physical Injuries. //via Bombo Noveh Grace Organo





