--Ads--

BAGUIO CITY – Kinumpiska ang abot sa 144 na tangke ng Liquified Petrolium Gas mula sa isang refilling station sa Purok 5, Irisan, Baguio City dahil sa kawalan nito ng business permit.

Napag-alamang nagsagawa ng inspeksyon ang mga kasapi ng Baguio City Police Office – Station 9 at ng City Intelligence Unit sa pamamagitan ng search warrant sa nasabing refilling station na pagmamay-ari ni Mr. Marcelo Garan.

Ang nasabing search warrant ay kaugnay sa paglabag nito sa Batas Pambansa 33 o ang Intellectual Property Right.

Hindi naman nila naabutan ang nasabing negosyante kung kayat kinumpiska na lamang nila ang mga nasabing tangke na magsisilbing ebidensya laban dito.