--Ads--

BAGUIO CITY- Nakakulong ngayon ang tatlo na kalalakihan makaraan silang mahuli sa anti-drug operation na ikinasa ng La Trinidad Municipal Police Station sa Barangay Pico sa La Trinidad, Benguet.

Napag-alamang dalawa sa mga ito ay drug user habang ang isa ay drug pusher na dating barangay tanod at drug surrenderer ng La Trinidad MPS.

Tumangi naman ang mga ito na magpakilala para sa kanilang mga anak na nag-aaral pa lamang.

Nakuha mula sa mga ito ang 22 na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, apat na residue, P600 bill at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaso na kanilang haharapin partikular ang paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.