--Ads--

Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PROCAR) ang operasyon laban sa marijuana sa lalawigan ng Benguet, matapos bunutin at sunugin ang mga halamang marijuana na nagkakahalaga ng P5.4 milyon noong Enero 24, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, binunot at sinunog ang 27,150 fully grown marijuana plants na may kabuuang Standard Drug Price na P5.4 milyon.

Nadiskubre ang mga halamang marijuana sa mga munisipyo ng Kapangan at Kibungan.

Dagdag pa rito, ipinagpapatuloy ng pulisya ang kanilang inisyatiba na kilalanin at imbestigahan ang iba pang lugar ng pagtatanim ng marijuana, gayundin ang mga indibidwal na nasa likod ng naturang pagtatanim. | via Bombo Karen Sapirao