--Ads--

Ang isang masayang pagdiriwang ng pag-ibig ay nauwi sa trahedya matapos masawi si 1Lt. April John Dadulla, isa sa dalawang piloto ng bumagsak na FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force sa Kalatungan Mountain Range, Brgy. Miarayon, Talakag, Bukidnon.

Si Dadulla ay mula Bukidnon at nakatakda sanang ikasal sa kanyang kasintahanโ€”na isa ring piloto ng Philippine Air Forceโ€”sa darating na Marso 15.

Naisagawa na nila ang kanilang prenup shoot bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pag-iisang dibdib. Ngunit sa halip na tugtog ng wedding march, hinagpis at pagluluksa ang bumalot sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

Ayon sa ulat, isinagawa ni 1Lt. Dadulla at ang isa pang Piloto na si Major June Salang-oy mula Cordillera ang isang midnight operation noong Marso 4 upang suportahan ang tropa ng militar laban sa Communist Terrorist Group โ€“ New Peopleโ€™s Army.

Ngunit sa kanilang pagbabalik sa Cebu, nawala ang komunikasyon sa kanilang sasakyang panghimpapawid hanggang sa natagpuan ang bumagsak na FA-50 fighter jet sa Mt. Kalatungan, Bukidnon noong Marso 5.

Habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente, nagdadalamhati ang buong komunidad ng PAF sa biglaang pagkawala ng dalawa sa kanilang pinakamahusay na kasamahan.

Sa gitna ng pagdadalamhati, nananatili ang pag-alala sa kanilang kabayanihan at dedikasyon sa tungkulin.