Baguio City- Kumpyansa si pinoy undefeated boxer Karl Jammes Martin na magwawagi si 8-Division World Champion Manny Pacquiao laban kay reigning World Boxing Council Welterweight Champion na si Mario Barrios na nakatakdang maghaharap sa MGM Grand sa Las Vegas Nevada sa Amerika bukas, araw ng linggo sa Pilipinas.
Ayon kay Martin, bagamat may konting pagbagal sa kilos si Pacquiao dahil na din sa edad niya na 46 ay magiging bentahe niya ang kanyang power at experience.
Dagdag pa ng Cordilleran boxer nasa magandang kondisyon ang katawan ng pambansang kamao dahil sa pinapakita nito sa training camp lalo na sa sparring sessions.
Napahanga pa ang dating WBA Asia super bantamweight champion na si Martin sa pinakitang dedikasyon ng Filipino ring icon na si Pacquiao sa ensayo kung saan nakasama niya ito ng halos araw-araw mula sa outdoor workout at sa loob ng Wild Card gym ni hall of fame coach na si Freddie Roach.
Tatangkain ni Pacman na makuha ang record bilang pinakamatandang boksingero na maging world champion sa Welterweight division.//Bombo Jordan Tablac