--Ads--
Inihayag ng Baguio City Health Services Office na walang kumpirmado o hinihinalang kaso ng Nipah virus sa lungsod.
Ayon sa tanggapan, aktibo ang kanilang surveillance system upang agad na matukoy ang anumang banta sa kalusugan. Bukod dito, nakahanda rin ang mga District Health Center sa lungsod para tumugon sa anumang emerhensiya.
Nagpaalala rin ang tanggapan sa publiko na umiwas sa sakit. Dapat iwasan ang paghawak ng mga patay na hayop, kabilang ang loro at iba pang hayop na maaaring magdala ng virus.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kaligtasan sa pagkain, kalinisan, at ang agad na konsultasyon sa doktor kung nakararanas ng lagnat, matinding sakit ng ulo, o pagkalito, lalo na kung nalantad sa mga patay na hayop.






