Hindi na isinailalim sa autopsy ang bangkay ng 69-anyos na lalaki matapos paniwalaan ng kanyang pamilya na aksidente ang pagkahulog nito sa Sector G, Country Club, Baguio City.
Ayon sa ulat, aksidenteng nahulog ang biktima sa bangin na may lalim na humigit-kumulang 40 hanggang 50 metro noong Sabado.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa pinagputulan ng kawayan ang mga kapitbahay ng biktima matapos makarinig ng malakas na ingay. Doon nila natagpuan ang biktima na walang malay sa ilog na kanyang nahulugan. Mayroon itong sugat sa bibig at pagdurugo sa ulo.
Ayon sa pulisya, hindi na tumugon ang biktima at wala nang nakitang senyales ng buhay nang matagpuan. Dahil dito, nagpasya ang anak ng biktima na huwag na itong dalhin sa ospital. | via Bombo Noveh Organo











