--Ads--

BAGUIO CITY — Nagpakitang-gilas ang mga batang floral designer sa Flower Bouquet at Dish Garden Competitions noong Pebrero 7 sa Rose Garden, bahagi ng Panagbenga Festival 2026 na inorganisa ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc.


Anim na elementary students ang sumabak sa paggawa ng bouquet gamit ang recycled materials, habang 13 high school students naman ang lumikha ng eco-friendly dish gardens gamit ang mga halamang angkop sa klima ng Baguio.


Ayon sa organizers, layunin ng patimpalak na malinang ang pagkamalikhain ng kabataan at mahikayat silang pahalagahan ang kalikasan sa halip na tutok sa gadgets.


Mahigpit na ipinatupad ang patakaran upang matiyak na sariling gawa ng mga bata ang kanilang entries.


Iaaanunsyo ang mga nanalo sa Marso 8 sa awarding at closing ceremony ng Panagbenga Festival.