--Ads--
Nagtagumpay sina Alexandra Eala at Venus Williams na makapasok sa quarterfinals ng doubles competition ng Bad Homburg Open matapos talunin sina Catherine Harrison at Alexandra Osborne sa iskor na 6-3, 6-4 noong Miyerkules.
Kinailangan lamang nina Eala at Williams ng isang oras at sampung minuto upang maselyuhan ang kanilang puwesto sa susunod na yugto ng torneo.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naglaro bilang magkaparehang doubles partners sina Eala at Williams.
Sa quarterfinals, haharapin nila ang tambalan nina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain, na kapwa kasalukuyang nasa World No. 29 sa doubles rankings.





