Inirekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Act laban sa nagbitiw na Ateneo head coach na si Tab Baldwin at 10 iba pang sangkot sa team-building activity sa Aurora na ikinasawi ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, saklaw na ng binagong Anti-Hazing Act ang mga aktibidad na nagdudulot ng pisikal o sikolohikal na pagdurusa, kabilang ang sapilitang ehersisyo at paglalantad sa matinding kondisyon ng panahon, kahit hindi ito bahagi ng tradisyunal na initiation rites.
Batay sa imbestigasyon ng CIDG, layunin ng team-building activity na matukoy kung sinu-sino ang mapipili sa pinal na lineup ng koponan para sa UAAP.
Nasawi sina Baterbonia at Adili matapos tangayin ng alon habang nagsasagawa ng conditioning exercise sa mababaw na bahagi ng dagat sa isang resort sa Dipaculao, Aurora.
Nauna namang iginiit ng Ateneo de Manila University na walang ginamit na anumang pabigat sa isinagawang conditioning exercise sa tubig









