--Ads--

Hiniling ng Sandiganbayan Sixth Division sa Third Division na pagsamahin ang paglilitis sa kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱75 milyon at tatlong kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46 laban kay Senador Rodante Marcoleta at tatlo pang akusado.

Ayon sa korte, ang mga kasong paglabag sa PD No. 46 ay bahagi ng kasong plunder dahil nagmula ang mga ito sa iisang hanay ng mga pangyayari. Dahil dito, nararapat lamang na magkaroon ng iisang paglilitis.

Nauna nang sinabi ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Karl Miranda na ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Marcoleta at sa kanyang mga kapwa akusado ay batay sa pagkakaroon ng probable cause at hindi dahil sa anumang impluwensiyang pulitikal.

Inihain ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban kay Marcoleta noong Hulyo 3, at iginiit na ang hindi idineklarang ₱75 milyon ay hindi maaaring ipaliwanag bilang “utang na loob” dahil maaari itong bumuo ng mga elemento ng plunder at panunuhol.