--Ads--

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtuklas ng bagong kaso ng mpox (monkeypox) sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, mahigpit nilang binabantayan ang kondisyon at paggamot sa indibidwal na naapektohan ng naturang kaso.

Kung maalala ay idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang public health emergency sa international concern.

Naitala ang mga kaso ng mpox o monkeypox sa Democratic Republic of Congo sa Africa.

Sa mga nakalipas na mga linggo, lumitaw ang mga kaso sa mga kalapit na bansa sa Africa, kabilang ang ilan na hindi pa nag-uulat ng mga kaso ng mpox noon.

Subaybayan ang mga karagdagang detalye…