--Ads--

Idineklara na bilang persona non grata sa munisipyo ng Kalayaan, Palawan ang Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Jing Quan sa pamamagitan ng Resolution No. 092-016 of 2026.


Dahil ito sa huling komento ni Jing Quang ukol sa mga opisyales ng gobyerno ng Pilipinas.


Ang pagpasa ng nasabing resolusyon ay pinangunahan ni Kalayaan Vice Mayor Alexis Albyada kung saan ginamit nila bilang basehan ang paglabag ni Quan sa diplomatic protocol at pangingialam nito sa internal affairs ng bansang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Vice Mayor Albyada na bagama’t maliit na munisipyo lamang ang Kalayaan, ipagtatanggol nila ang karapatan ng bansang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Naaprobahan naman ang nasabing resolusyon noon Enero 27, 2026. // via Bombo Karen Calpoe Sapirao