--Ads--

BAGUIO CITY – Inalis na ng Commission on Election (Comelec) Second Division ang naunang kautusan na nagsususpinde sa proklamasyon ni Congressman Eric Yap bilang nag-iisang kinatawan ng Benguet.

Ito ay matapos ibasura ng Comelec Second Division ang inihaing petisyon na layong kanselahin ang certificate of candidacy ni Yap, kaugnay ng umano’y maling deklarasyon sa kanyang pagkamamamayan.

Dahil dito, iniatas ng Comelec sa Provincial Board of Canvassers ng Benguet na muling magsagawa ng sesyon at iproklama si Yap bilang opisyal na nahalal na kinatawan ng lalawigan.

Matatandaan na temporaryong sinuspendi ng COMELEC-Benguet ang proklamasyon ni Yap noong May 13 dahil sa kinakaharap nito na disqualification case na may kinalaman sa isyu ng kanyang citizenship.

This is a developing story…