--Ads--

Nagsimula na kahapon, April 2, 2026, ang pagpapatupad ng liquor ban sa La Trinidad, Benguet bilang bahagi ng pagtiyak ng kaayusan sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay La Trinidad Mayor Roderick Awingan, apat na araw ang naturang pagbabawal na nagsimula noong Hunyo 2, alas-11:59 ng gabi, at tatagal hanggang Hunyo 5, 2026 ng hapon.

Layunin ng hakbang na masiguro ang mapayapa, ligtas, at makabuluhang pag-obserba ng pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Saklaw ng liquor ban ang lahat ng establisyimento tulad ng mga bar, restaurant, grocery, at sari-sari store. Ipinagbabawal din ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Ipinatutupad ang ordinansa sa pangunguna ng pulisya at mga barangay, katuwang ang Business Permit and Licensing Office.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga residente at turista na sumunod sa ipinatutupad na batas upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa lugar.