Inimbitahan ni Baguio Congressman Mauricio Domogan, na siya ring Chairman for Life ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI), ang publiko at mga turista na suportahan at makilahok sa pagdiriwang ng ika-30 Panagbenga ngayong taon.
Ang tema ng pagdiriwang ay “Blooming Without End,” kung saan iginiit ni Congressman Domogan na nananatili at hindi nawawala ang tunay na kahulugan ng Panagbenga.
Dagdag pa niya, hindi lamang isang ordinaryong selebrasyon ang Panagbenga sapagkat ipinapakita nito ang pagkakaisa at diwa ng komunidad ng mga mamamayan ng Baguio City.
Ipinagdiriwang ang Panagbenga Festival sa loob ng limang linggo, mula Pebrero 1 hanggang Marso 8, 2026.
Gaganapin naman ang Grand Opening Parade sa Pebrero 1, kung saan maaaring masaksihan ang Street Dance at Drum and Lyre Competition na lalahukan ng iba’t ibang paaralan.





