--Ads--

BAGUIO CITY – Pinaghahandaan na ni Cordilleran Paralympian Wheelchair racer Jerrold Pete Mangliwan ang mga qualifying stages para makapasok ito sa 2024 Paris Paralympics na gaganapin sa Agosto ngayon taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mangliwan, tututukan niya ang 400 meters at 800 meters mula sa tatlong kategorya na lalahokan niya.

Ayon kay Mangliwan, nagpatuloy siya sa pagsasanay pagkatapos ng mahabang pahinga kasunod ng kanyang Asian Para Games noong nakaraang taon.

Samantala, ito na ang ikatlong pagkakataon na makakasali ang atleta sa Olympics kung sakaling kwalipikado ito sa torneo para sa taong ito.

Dagdag pa ni Mangliwan, kailangan niyang pagbutihin ang kanyang eksplosibo sa simula ng laro at panatilihin ang kaniyang endurance.

Samantala, sinabi ng atleta na binibigyan sila ng kaukulang suporta mula sa gobyerno kung saan, binanggit niya na mayroon na itong mga high-end na kagamitan sa kasalukuyan.

Nagpahayag ng pasasalamat ang atleta sa mga nagbibigay ng suporta sa kanya gayundin ang paghingi ng pagpapatuloy nito.