--Ads--
BAGUIO CITY – Tumaas ang crime volume na naitala ng Tuba Municipal Police Station sa Benguet mula Enero hanggag Hunyo 20 ng kasalukuyang taon.
Batay sa rekord ng Tuba-PNP, tumaas ng 17. 13 percent ang naitalang index crimes na katumbas ng 195 na kaso.
Ayon sa Tuba-PNP, karamihan sa mga kasong naitala ang robbery ,theft, physcal injury at panggagahasa.
Maliban sa mga index crime ay tumaas din ang bilang ng mga Vehicular Traffic Accidents (VTA) na nangyari sa Tuba, Benguet.
Naitala ang 141 na kaso ng VTA sa nasabing bayan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mula sa 125 na kaso sa kaparehong panahon noong 2017.
Nagresulta ang mga VTA sa 80 na kaso ng Damage to property, 55 na physical injury at pitong homicide.