--Ads--
Inaanyayahan ang publiko na makilahok sa 31st Kalinga Founding Anniversary at 7th Bodong Festival sa Kalinga.
Ang tema ng pagdiriwang ay “Dakilang Kultura, Ito ang Kapangyarihan ng Kalinga”, na ipinapakita ang mayamang pamana, pagkakaisa, at dignidad ng mga Kalinga.
Magsisimula ang mga aktibidad sa Pebrero 2 at magtatapos sa Pebrero 20 ngayong taon.
Nakahanay ang iba’t ibang aktibidad tulad ng:
- Kalinga Slow Food at Pop-up Earth Market mula Pebrero 2
- Miss Kalinga 2026 Pre-Pageant sa Pebrero 6
- Lumina-awa Trek IV sa Pebrero 7
Kasama rin sa programa ang iba pang makulay at makabuluhang aktibidad na magpapakita ng kultura at tradisyon ng Kalinga.










