BAGUIO CITY – Mahigit na sa P316-M ang danyos na iniwan ng 7 magnitude na lindol sa Abra, ayon sa datus ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ito ay matapos maitala P88.9-M na danyos sa mga nasirang kabahayan, P13-K sa mga tanim, P365-K iti fisheries, P25-K iti livestock, P6.2-M iti Agriculture Infrastructure, P680-K iti Agriculture Land, P700-K sa Irrigation, P500-K sa mga tulay, P49.2-M sa farm-to-market-road, P25-M sa provincial road, P14.3-M sa national road, P11.5 sa mga commercial building, P131-M sa government facilities, P2.9-M sa government equipment, P3.4-M sa water system, P4.3 sa flood control at marami pang iba.
Aabot na sa 17,571 na pamilya o 70,565 na indibidual sa Abra ang naapektuhan sa nasabing lindol.
Mula sa nasabing bilang, 583 na pamilya o 1,587 na indibidual ang kasalukuyang nakatira sa evacuation center habang ang iba naman ay nakitira sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay.
Nananatili naman ang isang bilang ng namatay habang tumaas sa 156 ang mga nasugatan.
Patuloy naman ang rescue operation ng mga otoridad para mahanap ang naiulat na apat na nawawala.
Inaasahan naman na magbabago ang mga nabanggit na bilang dahil patuloy ang assessment na ginagawa ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.