--Ads--

BAGUIO CITY – Binuksan na ni Two Time One Lightweight World Champion Eduard Folayang ang bago niyang martial arts club na binubuo ng World Class MMA fighters sa bansa.

Ayon sa Cordilleran warrior, napili niya ang Lions Nation MMA bilang pangalan ng kanyang bagong club kasabay ng pagbubukas ng Landslide Martial Arts Training Center.

Sinisimbolo ng “Roaring Lion” ang pagiging malakas at matapang na lumaban sa anumang pagkakataon.

Sinisimbolo naman ng kulay ginto (gold) ang yamang mineral ng Cordillera lalong-lalo na sa probinsiya ng Benguet.

Ayon kay Foloyang, ang ginto ay katulad rin ng atleta, kailangan munang mapanday bago maisalang anumang laban.

Naniniwala naman ang pinoy champion na may maiiwan itong pamana sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo sa mga MMA fighters.

Kasama sa mga bubuo sa Lions Nation MMA sina Honorio Banario, Kevin Belingon, Joshua Pacio, Jeremy Pacatiw at Eduard Kelly.

Ang MMA club ay may pinanghahawang paniniwala, ito ay ang ” Passion, Purpose at Persistence”.