--Ads--

BAGUIO CITY-Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso ng pagnanakaw sa Kilometer 6, La Trinidad, Benguet.

Nakilala ang biktima na si Margate Kiat-ong, 28 anyso, housewife at residente ng Alapang, La Trinidad, Benguet habang hindi nakikilala ang suspek.

Natangay mula sa biktima ang isang bag na naglalaman ng P150,000 na ihuhulog sana niya sa bangko gayundin ang kanyang coin purse na naglalaman ng mahigit P800 at ang wallet nito na naglalaman ng P14,000.

Batay sa imbestigaasyon, pumunta ang biktima sa isang gym at iniwan nito ang kanyang bag sa likuran ng pintuan.

Gayunman, sa kanyang pagbabalik ay wala na ang bag nito.

Nakuha sa CCTV footage na isang babaeng naka-face mask ang kumuha sa bag ng biktima.