BAGUIO CITY – Hinihiling ng grupo ng mga manggagawa sa rehiyon Cordillera sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) na bilisan nila ang pag-apruba sa karagdagang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mike Cabangon, leader ng Kilusang Mayo – Cordillera, kailangan ang agarang pagtaas ng sweldo dahil sa patuloy na inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ayon kay Cabangon, naghihirap ang bawat Pilipino ayon sa anunsyo ng IBON Foundation at Trade Union Congress of the Philippines, gayunpaman, tila wala umanong ginagawang hakbang ang gobyerno para masolusyonan ang mababang sweldo.
Ayon pa kay Cabangon, ang P430 o mas mababa pa ay hindi sapat sa pang-araw araw na gastusin lalo na’t ang nakatakda na family living family wage ng bansa ay P1,100.
Dahil dito sang-ayon ang Kilusang Mayo – Cordillera sa mungkahing dagdagan ng P150 ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor para mapabuti ang kanilang kalagayan.
Hinimok ni Cabangon ang mga manggagawa na huwag silang makontento sa mababang sweldo dahil pwede naman silang mabigyan ng mas mataas na sahod kung gugustuhin ng gobyerno.
CLINK THE LINK TO VIEW THE FULL VIDEO: