--Ads--

SOUTH KOREA – Patuloy na trinatrack ng mga rescue team ang mga lokasyon ng mobile phone ng iba pang empleyado na posibleng naapektuhan ng pagsabog sa Lithium-Battery Factory sa Gyeonggi-do, South Korea kahapon, Hunyo 24.

Ayon sa Gyeonggi Fire and Disaster Headquarters, dalawampu’t dalawang indibidwal ang namatay at walong iba pa ang nasugatan.

Sa mga nasawi, dalawampu ang mga dayuhang manggagawa kabilang ang isa mula sa Laos, labing-walo mula sa China at hindi pa natukoy ang pinagmulan ng isa pang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagmula ang apoy sa isang lithium battery na nakaapekto sa humigit-kumulang 32,000 lithium batteries na nakaimbak din mula sa ikalawang palapag ng gusali.

Ito ang nakikitang dahilan ng agarang pagkalat ng apoy.

Ang pabrika ay binubuo ng 11 tatlong palapag na konkretong gusali na naglalaman ng mga mapanganib na kemikal kabilang ang lithium.

Sa kasalukuyan, binabantayan ng bumbero ang sitwasyon ng gusali.

Samantala, sinabi ng Hwaseong Fire Station disaster prevention officer Kim Jin Young na tinatayang animnapu’t pitong tao ang pumasok sa trabaho kahapon na binubuo ng mga regular at day worker ngunit unaccounted employees ang dalawampu’t dalawang iba pa.