--Ads--

BAGUIO CITY-Hangdang handa na si Mixed Martial Arts (MMA) fighter Jon Cris Corton sa kanyang laban sa Sabado a magaganap sa Baguio Convention Center.

Makakaharap ng Team Lakay fighter si MMA artist Jhunior Diapolit mula sa D’ Elements Gym.

Tiniyak ni Corton na syento porsyento itong nakahanda sa pakikipagbakbakan kay Diapolit.

Aniya, ang gagawin na lamang niya sa mga susunod na araw bago ang kanilang laban ay ang bantayan ang kanyang timbang.

Aminado naman ang Igorot artist na malakas si Diapolit lalo na’t may alam ito sa boksing.

Sa ngayon ay mayroong standing record si Corton na 5 wins at 3 loss.