--Ads--

BAGUIO CITY – Ipinagmalaki ni Vice President Leni Robredo ang sinumulang “Bodong Festival” ng Kalinga na naglalayong panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng iba’t ibang tribo maging ang buong komunidad.

Ayon kay Robredo, nagsibling pangunahing pandangal sa pestibidad, nararapat lamang na panatilihin ng lalawigan ng Kalinga ang sinumulang tradisyon na “Bodong” o “peacepact.”

Aniya, isa ang Cordillera sa ipinagmamalaking rehiyon sa bansa dahil sa magagandang kultura at tradisyon ng mga katutubo.

Dagdag pa ng opisial, ang mga katutubo sa Kalinga ang nagpapakita ng katapangan upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa sambayanan.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Robredo ang isinagawang ritual ng mga opisyal ng Kalinga tulad ng “Lonok,” “Padatong,” at nakisayaw din siya sa katutubong sayaw ng mga Igorot na “Pattong.”

Samantala, ayon naman kay Kalinga Governor Jocel Baac, ang “bodong” ang pangunahing daan ng mga ito para sa pagresolba sa anumang hidwaan ng magkabilang grupo o tribo upang pamanatili ang kaayusan at kapayapaan ng buong lalawigan ng Kalinga.