--Ads--

Pormal nang nagretiro sa NBA si veteran point guard Kyle Lowry matapos muling pumirma sa Toronto Raptors sa isang seremonyal na one-day contract upang magretiro bilang miyembro ng koponan.

Tinuldukan ng 40-anyos na si Lowry ang kanyang 20 taong karera sa liga matapos pangunahan ang Raptors sa kanilang kauna-unahang NBA championship noong 2019 at maging anim na beses na NBA All-Star.

Nagtala siya ng averages na 13.8 puntos, 4.2 rebounds, at 6.0 assists sa 1,187 regular-season games habang naglaro rin para sa Memphis Grizzlies, Houston Rockets, Miami Heat, at Philadelphia 76ers.

Kasabay ng kanyang pagreretiro, inanunsyo rin na sina Lowry at ang kanyang asawa na si Ayahna Cornish-Lowry ay kabilang na sa ownership group ng Toronto Tempo, ang expansion team ng WNBA na magsisimula sa 2026.