--Ads--
Nagbigay-pugay si NBA champion Jordan Clarkson sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdadala ng watawat ng bansa sa championship parade ng New York Knicks.
Sa isang video na ibinahagi ng Knicks, makikitang buong pagmamalaking bitbit ni Clarkson ang bandila ng Pilipinas habang nakikibahagi sa pagdiriwang ng kampeonato.
Si Clarkson, na kumatawan sa Pilipinas sa 2018 Asian Games at 2023 FIBA Basketball World Cup, ay apo ni Marcelina Tullao Kingsolver na tubong Pampanga.
Sa panalo ng Knicks, naging kauna-unahang manlalarong may dugong Pilipino si Clarkson na nagwagi ng NBA championship.









