--Ads--

THAILAND – Inaasahan na magkakaroon ng forum ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) kasama si President Ferdinand Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand sa darating na Sabado, Nobyembre 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Bombo International Correspondent John Mark Zaportiza, isa sa posibleng hilingin ng mga OFW sa presidente ay ang pagpapalaki sa building ng Philippine Embassy sa Thailand.

Ayon kay Zaportiza, dumarami na ang mga Pilipino na nagtratrabaho sa nasabing bansa kaya mas mainam na mapalaki ang kapasidad nito.

Aniya, umaabot ng labing limang araw o halos isang buwan bago sila makakuha ng appointment sa embahada dahil sa kakulangan ng tauhan.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Zaportiza na maganda ang serbisyo ng embahada pero mas maganda kung mapalaki pa ito at may karagdagang tauhan para mabilis na matugonan ang pangangailangan ng mga OFW.