--Ads--

BAGUIO CITY – Magsasagawa ang Abra Provincial Health Office at Department of Health-Abra ng mass immunization laban sa Japanese encephalitis sa mahigit 21, 000 na bata sa lalawigan ng Abra.

Ang nasabing aktibidad ay tinatawag na “Oplan Culex”.

Tiniyak ni Abra Provincial Health Office Maria Cristina Cabrera na ligtas ang mga gagamiting bakuna dahil aprubado ito ng World Health Organization.

Puntirya ng ahensya ang “zero case” ng Japanese encephalitis sa Abra para hindi ito magaya sa mataas na kaso ng dengue.

Kasabay ng “Oplan Culex” ay magpapatuloy ang information campaign para maipaalam sa mga residente ng Abra ang tungkol sa Japanese encephalitis at kung paano ito maiiwasan.