--Ads--

Nagluluksa ngayon ang mga pamilya ng 23 na biktima ng pagkasunog ng bus sa Thailand, kahapon, Oktubre 2.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng Thai bus ang 44 na indibidwal na kinabibilangan ng mga bata at guro na nagmula sa isang school trip.

Nagsimula ang trahedya nang sumabog ang isang gulong sa isang highway sa northern Bangkok suburb bandang 12:30 ng tanghali na nagdulot ng pagbagsak ng bus sa isang barrier at lumiyab ito.

Ayon sa mga rescuers, ang mga katawan ay sobrang nasunog kung saan mahirap makilala ang mga ito.

Ilan sa mga batang nakatakas ay nasunog ang mukha, bibig at kanilang mga mata kung saan nasa pag-aalaga ng pagamotan ang mga ito sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang trahedya upang makumpirma ang bilang ng mga nasawi at ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Prime Minister Paetongtarn Shinawatra sa mga nasawi at mga pamilya ng mga ito.

Samantala, ang naturang bus ay isa sa tatlong nagdadala ng mga bata, mula kindergarten age hanggang sa 13 o 14 taong gulang mula sa Wat Khao Phraya Sangkharam school sa Uthai Thani.