--Ads--

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Mel Senen Sarmiento bilang chairperson ng Government Peace Implementing Panel para sa usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro ang appointment sa isang press briefing nitong Miyerkules.

Nagpasalamat si Sarmiento sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo at sinabing magsisilbing mas maayos na ugnayan ang kanyang dalawang tungkulin upang mapabilis ang pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Ayon kay Sarmiento, malinaw ang direktiba ni Pangulong Marcos na paigtingin ang implementasyon ng CAB at tiyaking maisakatuparan ang mga natitirang pangako sa kasunduang pangkapayapaan katuwang ang MILF.