Umaasa ang Malacañang na maipapasa ng Kongreso ang mga priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng nalalapit na deliberasyon sa 2027 national budget at nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inaasahan ng Pangulo na mapapabilis ang pagtalakay sa mga panukalang batas dahil nakatuon ang mga ito sa kapakanan ng publiko.
Kabilang sa mga panukalang isinusulong ng administrasyon ang National Center for Geriatric Health Act, amendments sa GASTPE Act, AICS Act, Universal Access to Quality Tertiary Education Act, Anti-Political Dynasty Act, at Presidential Merit Scholarship Program.
Samantala, sinabi rin ni Castro na nananatiling nakatuon si Pangulong Marcos sa pagtatrabaho sa kabila ng pagbabago sa kanyang survey ratings.









