--Ads--
The Top 10 Performing Cadets of Philippine Military Academy MADASIGON Class 2023.

BAGUIO CITY-Nakahanda na ang Philippine Military Academy Fort General Gregorio Del Pilar Baguio City para sa darating na pagtatapos nang mga kadete na bumubuo sa Mandirigmang may Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon o (MADASIGON) Class 2023.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo radyo kay Philippine Military Academy Chief of Public Affairs Maj. Maria Charito Dulay, temporaryong nakasara ang Philippine Military Academy sa mga turista sa araw ng Sabado, May 20 hanggang araw ng Linggo, May 21 para sa nalalapit na pagtatapos nang mga kadete.

Ayon pa kay Dulay, mahigpit din nilang ipapatupad ang COVID-19 health protocols gaya nang pagsusuot ng facemask, at pagpapakita nang negatibong resulta ng antigen test.

Maging katuwang din ng Philippine Military Academy ang Presidential Security Group sa pagpapatupad ng seguridad sa lugar.

Samantala, magaganap ang graduation ceremony sa Boromeo grandstand kung saan posibleng aabot sa apat na libong bisita ang dadalo.

Samantala inalala din ng mga kadete ang kaklase nila na si Darwin Dioso Dormitorio ang kadeteng namatay dahil sa hazing noong 2019.

Sinabi ni Dulay na bibigyan din nila ang pamilya ni Dormitorio ng class memorabilia kagaya ng PMA class ring, class saber at iba.

Sa kasalukayan nakikipag-ugnayan na ang Class President ng MADASIGON class 2023 sa mga magulang ni Darwin Dormitorio.

Samantala aabot sa Tatlóng daán at labíng-isá ang bumubuo sa 2023 Philippine Military Academy class.

Mula sa nasabing bilang dalawang daan tatlumput syam ang mga lalaki at pitumput dalawa naman ang mga babae.

Isáng daán at limám pû’t waló ang sasali sa hanay ng Philippine Army, pitumpu’t anim ang papasok sa hanay ng Philippine Airforce at pitumput pito ang sasali sa hanay ng Philippine Navy.

Magsisilbi namang panauhing pandangal si President Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatapos ng mga kadete.