Namukadkad na ang isa sa mga puno ng sakura ng Baguio Country Club sa lungsod ng Baguio, matapos ang pitong taon ng maingat na pag-aaruga.
Ibinahagi ng Baguio Country Club noong Sabado, Enero 24, ang mga larawan ng ilang bulaklak na unti-unting namumukadkad mula sa isa sa kanilang mga puno.
“After seven years of careful nurturing, one of the sakura trees at Baguio Country Club has finally bloomed. Encouraged by Baguio’s cool climate, similar to the conditions sakura trees need to thrive, its delicate blossoms have quietly emerged, marking a rare and meaningful moment,” ani ng BCC sa kanilang pahayag.
Idinagdag nila: “Sakura trees are known to take years before flowering, making this first bloom a true testament to patience, nature, and time. A fleeting yet beautiful reminder that some of the most rewarding sights are worth the wait.”
Ang mga puno ng sakura ay naibigay sa Baguio Country Club ng mga Japanese nationals na sina Mr. Shinji Okamura at Mr. Shingeru Tsunashima, kasama ang miyembro ng BCC na si Mr. Paz Suzuki, noong Hunyo 2018 at Mayo 2019.











