--Ads--
Iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules na dapat patunayan ang impeachment case laban sa kanya gamit ang ebidensya, hindi insulto, haka-haka o political theatrics.
Ayon kay Duterte, hindi kailangan ng isang matibay na kaso ang mga palabas o dramatikong pahayag upang mapatunayan ang mga alegasyon.
Sinabi rin niya na ang pagtawag sa isang testigo bilang “stupid,” sa kanya bilang “mastermind of a scam,” o sa isa pang testigo bilang “brat” ay hindi nagpapatunay ng kaso at hindi rin maituturing na ebidensya.
Dagdag ni Duterte, ang mga insulto ay nagpapakita umano ng pagtatangkang magmukhang kumpiyansa sa kabila ng mahinang presentasyon ng kaso.









